Archive for January, 2007

Friday, January 26th, 2007

sino nga naman ang mag-aakalang mabilis na lilipas ang apat na taon? halos abot-kamay na ang minimithing diploma. malapit na ang pagwawakas kung bakit ako kumakalbaryo sa paaralan. malapit na nga rin naman akong matawag na isang tunay na guro.

dahil dito, maraming mga bagay ang unti-unti sumusulpot sa utak ko. nakakatuwang isipin, mula ng pumasok ako sa UST, isa akong batang akala ko ay alam ko na ang lahat. ngayong malapit na ang daan palabas, nalaman kong marami pa palang leksyon ang dapat kong matutunan. sa apat na taon na inilagi ko, marami-rami rin ang pumasok sa utak ko. Hindi ko lamang nakuha sa loob ng silid aralan, kasama na rito ang Teatro Tomasino.

Naku! ngayon ko lang napagtantong nakakapagod maghintay sa wala. ang magmahal sa isang taong hindi ka man lamang pansin ay isang masakit na gawain. pahihirapan mo lang ang sarili mo.

Masakit din ang katotohanang nagmahal ka nang sobra…at napagod ka! Ang masyadong magmahal ng todo ay nakakasama rin.

minsan, kailangan mong layuan ang mga tao at mga bagay na mahalaga para malaman mong hindi ka pala mabubuhay nang wala sila.

kailangan mong malaman kung ano nga ba talaga ang kailangan o ang prioridad mo sa buhay. baka mamaya, inaakap mo ang lahat ng gusto mo. Nga lang, hindi naman yun ang kailangan mo. Ang mas masama, nakakasama pa pala ito sayo.