Sa Pagiging Guro…KARANGALAN

Kahit kailan ay hindi ko naisip na maging isang guro. Inaamin ko, gustung-gusto kong nagiging titser sa larong aral-aralan. Ako pa nga ang nagtuturo sa mga kalaro ko ng Math na ngayon ay tinuturing ko nang isa sa mga mortal kong kaaway na sabdyek. Madalas naming ginagawang blackboard ang pader ng bahay namin kaya ang ending, minumura kami ng lola ko habang pinupunasan niya ang mga chalk sa pader.

Pero hanggang doon lang yun…dati.

Saksi ako sa mga kalokohan ng mga estudyante pagdating sa mga guro. Nandoon ang pinapangalanan ka nila pagtalikod mo. Pagtsitsimisan pa minsan kahit ang personal mong buhay. Paano naman kasi eh gawain ko rin naman yun nung high school. Nakadagdag ito sa simbuyo kong ayaw magturo. Baka mamatay pa ako sa high blood eh mainitin pa naman ang ulo ko.

Hindi nagpatinag ang lola at nanay ko. Gusto raw nilang kunin ko sa kolehiyo ay Education major in English. Magiging titser raw ako sa Japan at in fairness, mataas ang sweldo. Isang lapad (o 10,000 yen) kada oras. Nakakatukso ang udyok nila pero no way pa rin. Mas mahirap yatang magturo ng banyagang salita sa mga taong hindi naman nila intensyong matuto nun.

Pero hanggang doon lang yun…dati.

Ang nakapagtataka lang, nang isulat ko na ang pinili kong kurso para sa kolehiyo, pinili ko ang Education. Pinili ko ang karerang hindi ko naisip kunin. Pinili ko ang landas na tinahak ng mga matatandang dalaga kong guro. Hindi ko alam kung bakit. Parabang binulungan ako ng hangin, “Magiging titser ka, hahahahahaha.” Nakakatakot!

Maraming nag-aakalang kung mahina ang utak mo, mag-titser ka na lang. Maraming nagsasabing ito na ang pinakamadaling kurso kung sakaling hindi naging maganda ang performance mo nung high school. Pero habang binabagtas ko ang Principles of Teaching, Teaching Strategies, Test and Measurement at kung anu-ano pang professional courses ng Education, napagtanto kong mali pala silang lahat.

Aba! Eh kailangan ngang napakatalino mo pag naging guro ka. Malawak na imahinasyon, talino, pang-uunawa, pasensya ang kinakailangan mo upag makatagal ka sa propesyon. Ikaw ang lilinang at papanday sa utak at puso ng mga sinasabing pag-asa ng baying ito. Kailangan din ang disiplina dahil lahat ng mata ay nakatingin sayo. Isang pagkakamali mo lang, sira ang matagal mong pinagkakaingatang reputasyon.

Ngayon, hindi ko maintindihan ang mga taong ayaw maging guro. Sabi nila parang napakababang propesyon nito.

Hindi kaya! Baliw lang ang nagsasabi niyan. Hindi lang nila alam ang pakiramdam ng bionabati ka ng maraming bata ng “Sir, good morning po!”, “Ma’am, magandang hapon po.” Hindi lang nila alam.

Pag nagging titser ka, di ka man yayaman, di ka naman magugutom. Habang buhay kang in demand dahil ang edukasyon ay parang pagkain…isang basic necessity. Habang umiikot pa ang planetang ito ay maraming mag-aaral ang papasok sa eskwelahan. Maraming batang nangangailangan ng magagaling na guro. Maraming maghahangad na makapagbasa at makapagsulat. Habag buhay kang hahanap-hanapin dahil kailangan ka…at di ka na magugutom.

Isang fulfilling na propesyon, yun ang pagtuturo. Pag nakikita mong may nagbabagong maganda sa mga estudyante mo, anong ligaya ang hated nun. Ang mga mahihiyain, sumasagot na. Ang mga makukulit, nage-excell na sa klase. Habang nakikita mo silang unti-unting nararating ang pinakamagandang antas ng pagkatao nila, masarap sa pakiramdam yun. Dahil alam mo sa sarili mo, isa ka sa dahilan ng pagbabagong yun.

At hindi ba nila naisip, na ang pinakabanal at pinakadakilang taong umapak sa mundo ay piniling maging isang guro? Kaya masasabi mong to the highest level of the society ka kapag guro ka. Masasabi rin kahit in a little way, banal ka dahil banal ang napili mong propesyon. Kaya naman siguro sa mga gurong hindi magaling dyan, wake up na po. Banal po ang tungkulin natin kaya galingan po nating magturo. Remember, “TEACHING IS THE NOBLEST PROFESSION OF ALL.”

Dati, lola ko ang nagmumura sakin sa kakasulat ko sa pader. Ngayon, ako na ang halos magmura sa mga estudyante ko dahil sa kakulitan nila (at hindi ko naman magawa dahil bawal). Gayunpaman, masasabi kong masaya ako sa karerang pinili ko. Ang pagtuturo ay ako at ako ang pagtuturo. Hindi mapaghihiwalay.

8 Responses to “Sa Pagiging Guro…KARANGALAN”

  1. kRisSy Says:

    napahanga mu aku sa iyong isinulat.
    *clap clap clap*
    eheh.
    di ka parin nagbabago ma,
    im so proud of you.
    mis na kta.
    mwah. :-*

  2. Ino Jev Says:

    teaching english to gorgeous japanese girls and women..

    appealing. haha!

    i’ll have to take up english full time some time in the future.

  3. james edward Says:

    i agree with you, to be a teacher is one of kind… to be a teacher is really noble. you have the supreme authority to mold the young. walang doctor, walang nurse, walang pharmacist, abogado at kung ano pa man kung hindi nagdaan sa kamay ng mga guro, for we should admit that we owe much from our teachers way back. i guess your succesful in your field… strive to be the best in your endeavor. your a LETRANITE and you will forever be!!!

  4. ray-an and kems Says:

    napakamatalinhaga ang mga salitang namutawi sa iyong mga daliri, halos hindi marurok ng aking birheng isipan kung ano ang iyong nais ipahiwatig,,salamat sa diyos sapagkat tinawag ka niya upang maging isang marangal at napakagandang guro.i love you!

  5. Rofrel Says:

    tama amg iyong lahat ng sinabi lahat halos ay minamaliit ang pagiging isang guro ngunit ang di nila alam na malaki ang utang na loob ng bawat tao sa laht ng guro sapagkat sa kanila mo matutunan ang mga bagay na kinakailangn mong matu2nan sa paaralan, ngunit sa lahat ng propesyon ito ang masasabi m na kinakailgan ng mahabang pasensya at pag uunawa lalo sa mga bata at bibirang tao lamaang ang makakagawa kinakailngan mo ng dedikasyon upang maisagawa ang mga bagay na ito hindi sapat na mapakapagturo k lng para msbi n ikay isang mabuting guro kelangan mo ipakita n sa bawat bata n tinuturuan mo ay may matutunan n liksyon di lang sa aklat nagmula kundi pati na rin sa kagandahang asal na iyong ipapakita sa knila kaya mabuhay ang mga guro Yehey!!!!!!!!

  6. Daphne Carolyne Says:

    hmmmm bakit alang pangala na nakasulat…..ilagay mu nmn yung name mo

  7. Wipqjsim Says:

    nice blog, thanks
    buy diflucan

  8. AdulBandul Says:

    Hi there!
    My first post at this great blog!
    I wanna show u my dayly updated blog: Amateur Topless Teen
    Have a nice day!
    BB!

    P.S. if you don’t want to see this message please write me to no.ads08@gmail.com with subject “NO ADS” and URL of your forum
    Thank you for cooperation!

Leave a Reply