Nang Magsama ang Kabayo at Manok sa Iisang Nilalang
MOWHAWK/MOHAWK (hindi ko alam ang tamang baybay)
Ito yung gupit na halos kalbo na ang gilid ng ulo mo ngunit may natitirang makapal sa gitnang bahagi. Umaabot ito hanggang sa likod ng ulo.
Marami na akong nakikitang mga punkista, rakista at mga fashionista na gumagawa ng ganitong istilo ng buhok. At dahil likas akong inggitero, gusto ko ring magpagupit ng ganoon. Nga lamang ay hindi ako nagkaroon ng oras sa sarili ko dahil sa dami ng kailangan kong gawin.
Nang matapos ang lahat ng responsibilidad ko ay nagtungo ako sa barbero. Itinuro ko sa kanya ang mohawk/mowhawk dahil hindi niya raw alam ang gupit na ito. Nag-alinlangan pa nga siyang gawin sakin yun dahil napagkamalan niya akong highschool eh matatapos na ako ng pag-aaral sa susunod na taon (naks!baby-face talaga ako). Nang matapos ang barbero ay binayaran ko siya ng PhP 50 at hindi na nagpasukli pa ng PhP 10 kahit na alam kong hindi pa kakasya iyon sa pamasahe nila ng misis niya.
Nagustuhan ko ang kinalabasan kaya ako nag-tip. Talagang maganda at hindi ko napipigilang maya’t maya ay sumilip sa salamin at namnamin ang natitira kong buhok. Feeling ko, isa akong bagong tao; isang bagong sanggol na unang nasilayan ang silahis ng Haring Araw.
Maraming naloka sa buhok ko. Ang tapang ko daw dahil nagawa ko iyon. Maganda raw.
“Ang cute naman ng buhok mo!”
“Ang taray! Bagay sa iyo.”
“Wow! Ikaw ba yan, Jayson ng Pinoy Big Brother?”
But like the cliché says, “You cannot please everybody.” Pagdating ko sa bahay ay sinigawan ako ng lola ko.
“Ano ba naman yang ginawa mo sa buhok mo? Adik ka na ba? Sabihin mo nga sakin.”
Hindi lang ang lola ko ang nadismaya, kahit ang mga kapitbahay ko, pati ang mga taong nadaraanan ko, kinukutya ang buhok ko.
“Kabayo! Kabayo!”
“Kailangan mo ba ng hinete? Pwede bang mag-apply?”
“Kulang na lang sayo, kalesa.”
“Tiktilaok! May manok na dumaraan.”
“Mukha kang seahorse.”
Nung 19th birthday ko, naka-mohawk/mowhawk ako. Bawal ito sa unibersidad na pinapasukan ko maliban na lang kung taga- Engineering, Music, AB, Commerce o Fine Arts ka. Klase iyon ng isa sa mga paborito kong propesor pero hindi iyon naging rason para hindi niya ako mabasag.
Professor: Have seen Fr. _________?
(umiling ako.)
Classmate ko: Why, ma’am? Bawal po ba iyan?
Professor: (umiling, simbolo ng pagsasabing bawal ang buhok ko.)
Kabayo, seahorse, manok…lahat ng pangungutya, narinig ko. Dumating sa puntong nanghihina na ang loob ko at gusto ko nang ituloy sa pagiging semi-kalbo ang buhok ko. Nagdududa na rin akong baka nga hindi bagay sakin ang gupit. Pero minsan sinabi sakin ng tito ko ng itanong ko sa kanya kung pangit.
“Nasa nagdadala lang yan. Kung pangit sa kanila, eh ano ngayon? Nadadala mo naman yang palong mo kaya wag ka nang matakot.”
Kaya sinabi ko sa sarili ko:
“PANININDIGAN KO ITO. HINDI AKO MAGPAPAAPEKTO SA INYO. MAINGGIT KAYONG LAHAT AT PAGALITAN NINYO AKO PERO HINDI KO HAHAYAANG MABADTRIP AKO NG MGA SINASABI NINYO. BASTA, I FEEL GOOD WITH MY HAIR.”
Hindi pa naman ako napapagalitan ni Fr. ____________ dahil hindi pa kami nagkikita pero handa naman ako kung sakaling magsalubong ang mga landas namin sa corridor.
November 22nd, 2005 at 8:54 am
ikaw ba ang binabanggit mo sa blog mo!? nacurious lang ako at iniisip ang itsura mo pag mohawk…
http://untroddenadventures.blogspot.com/
http://glassbutt.blogspot.com/
November 23rd, 2005 at 4:24 am
i like it better when you write in tagalog.
keep it up, mohawk man.
November 27th, 2005 at 1:13 am
kakaiba…naka-mohawk k p b??? astig…sna my pic k…pra mkta nmin…yah ur ryt…wa cla paki…db..and yah…if there’s one thing i olweiz put in mind is that “YOU CAN’T AND YOU DON’T PLEASE EVEREBODY”…you may try…but innevitably you’ll fail…even God or the mere concept of HIM, as others may argue, obviously can’t and doesn’t please everybody…
November 29th, 2005 at 1:25 am
astegg…
naka-relate ang lola mo.. pwamis..
isa lang masasabi ko, if dey aint like it… the hell they care?! f**k!! heheh
i was once… (paminsan minsan din) victim of those shit people who aint got better to do than to be be judgmental..
haaayz.. buhay nga naman..
anyways, taeness na lang nila! asteg! namiss ko mga sulatin mo ah! pagbutihin mo pa!
mis na kita!