The Truth Hurts
Saturday, July 23rd, 2005madalas, kung ano ang totoo, yung ang nakakasakit ng damdamin mo. dati hindi ko alam kung bakit…pero ngayon parang medyo nauunawaan ko na.
madalas, nangangarap tayo ng mga bagay na gusto natin. iniisip natin kung ano kaya kung ito’y nasa mga kamay natin. madalas tayong nananaginip ng mga bagay na hindi naman talaga atin. kaya nga nangangarap.
bakit masakit ang katotohanan? kasi binabalik tayo sa tunay nating kinatatayuan. binabalik tayo sa isang totoong sitwasyon kung saan wala naman ang ilang mga bagay na pinapangarap natin. binabalik tayo nito sa ating mga kamay na wala naman pala talagang mga laman.
ayoko talagang naririnig minsan ang katotohanan dahil ayokong magising sa pagkakahimbing sa isang panaginip. mas masarap ang duyan ng mga haraya kaysa sa kurot ng totoong nagaganap.
madalas ayoko ng totoo dahil mahapdi ito…nanampal.
pero anong magagawa ko? ako’y isang taong nakadikit ang paa sa katotohanan ng buhay. kailangan kong magising sa himbing ng aking pagkakatulog.
masakit ang totoo…pero kailangan mong tanggapin dahil ikaw yon. iyon ang tunay mong ginagalawan. nandun ang mga bagay na mahahawakan mo.
ang sakit ng nararamdaman ko…parang hindi ko kakayanin. pero kailangan kong tumayo at harapin ang nagmumurang katotohanan.
kaya ko to…yun ang totoo.